Friday, October 27, 2017

Maling Akala

By:
Judy Ann Hubiera
Lorelyn Zaragosa
Jean Jover

      Magsasalaysay ako tungkol sa mga nangyari noong unang panahon na hindi ko makalimutan ako ay si Wilma Hubiera at 18 taong gulang pa lamang ako noon na nangyari ang pangyayari iyon.
           

       Noong unang panahon mayroong isang pamilya na nakatira sa bundok at sila ay malayo sa maraming bahay sa isang pamayanan kaya maraming paghihinala ang mga naisip ng maraming tao. Isang araw lumabas ang magkapatid na isang lalaki at isang babae. Yung babae ay dalaga na at isa siya sa aking kaibigan kaya kapag lumabas sila sa Sitio nagkukwentuhan kami. Pinapagalitan ako ng aking pinsan kasi lumalapit ako sa anak ng isang meymbro ng pamilyang aswang. Simula noon malimit na akong nakipag kwentuhan sa kanya at hanngang isang gabi sinugod ng mga pinsang kung lalaki at nang kanyang mga kasamahan ang bahay ng isang pamilyang pinagkamalang mga aswang habang papunta pa lamang sila ay nakasalubong nila ang aking kaibigan at ang kapatid nito at tinigbas at pinagsaksak nila at hinayaan lamang ito sa tabi ng daan at ng maka abot na sila sa bahay nang pinagkamalang pamilya ng mga aswang wala na ang mag asawa. Kinaumagahan kumalat ang balitang yaon at kinulong ang pinsan at ang mga kasamahang nito sa dahilanang pag patay nila sa mga anak ng pinagkamalang nilang mga aswang dahil hindi naman nila alam kung makatutohanan ba iyon at bigla nalang nila ginawa ang krimen at kilosan na iyon

No comments:

Post a Comment